Calendar
DOH inudyok itinigil pagpapdala sa mga LGU ng bakuna na malapit ng mag-expire
NANAWAGAN si Sen. Alan Peter Cayetano sa Department of Health (DOH) na itigil ang pagpapadala ng mga bakunang malapit nang mag-expire, dahil nagdudulot ito ng panganib sa mga bata at senior citizens at nauuwi sa pag-aaksaya ng pondo ng bayan.
Sa pagdinig ng Senado para sa panukalang 2026 budget ng DOH, sinabi ni Cayetano na ilang lokal na opisyal ang paulit-ulit na nagrereklamo na dumarating nang huli ang mga bakuna, kulang sa dami, o may natitira na lamang na ilang linggo bago ang expiration.
Binigyang-diin niya ang halimbawa ng seasonal flu vaccines para sa mga senior citizen, na sa ibang bansa ay kadalasang ibinibigay mula Marso hanggang Abril. “Even if these flu vaccines come from Western countries, they could arrive here by July or August. But today is November 26, and many LGUs still have no flu vaccines. And when they do arrive, they expire on December 31,” sabi ni Cayetano.
Dagdag niya, may mga senior na tumatanggi na sa flu shots dahil huli nang dumarating ang mga bakuna, habang ang mga routine vaccine para sa mga bata ay naituturok na rin malapit sa pagtatapos ng taon. Marami rin umanong magulang ang nag-aalangan kapag near-expiry ang mga bakunang ipinadadala ng DOH.
“This is about children. This is about the future of the country. We cannot accept excuses. It’s been two years—when will this change?” ayon pa kay Cayetano, sabay himok sa DOH na ayusin ang procurement at logistics para matiyak ang maagang pagdating ng bakuna sa 2026.
Tinukoy rin niya na hindi nakararanas ng ganitong problema ang mga karatig-bansa tulad ng Cambodia at Laos kahit mas limitado ang kanilang resources kumpara sa Pilipinas.

