Calendar
DOJ nag-alok ng P3M reward sa makapagtuturo kina Bantag, Zulueta
NAG-ALOK ang Department of Justice (DOJ) ng P3 milyong cash reward sa sinuman na makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagdakip kina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta.
Ayon kay DOJ spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, ang DOJ at NBI ay magbibigay ng P2 milyon para madakip si Bantag at P1 milyon naman para mahuli si Zulueta.
“It is crucial that these individuals are brought to justice and held accountable for their alleged actions. Your cooperation can make a significant difference in ensuring the swift apprehension of Bantag and Zulueta and providing closure to the families of the victims,” ani Clavano.
Sina Bantag at Zulueta ay itinuturong mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.
Maaari umanong iparating ang impormasyon sa numerong 0945 831058 at 0928 4169585.