Donnalyn Bartolome

Donnalyn kay JM: I adore you, lalo pag bagong ligo

Vinia Vivar Oct 2, 2024
8 Views

MULING binati ni Donnalyn Bartolome ang boyfriend na si JM de Guzman sa kaarawan ng aktor kahit medyo matagal na itong nakalilipas.

Sa pagtatapos ng Setyembre ay humabol pa ng pagbati si Donnalyn for JM na nagdiwang ng kaarawan last Sept. 9.

Ibinahagi ng singer/content creator ang sweet photos nila ni JM at nagbigay ng sweet birthday message para sa aktor.

“Before your birthmonth ends, happy birthday againn Juan Miguel~ I’m so proud of you! I pray for your happiness, peace and for you to receive all the blessings you so much deserve,” bahagi ng mensahe ni Donnalyn para sa dyowa.”

Sabi pa niya, “I adore you!! Lalo pag bagong ligo.”

Supportive girlfriend din si Donna at happy siya sa aktor na malapit na raw magkaroon ng 1 million subscribers sa YouTube.

“Our videos on each other’s channel reached 2M and 1.1M views~ Road to 1 Million subscribers ka na babyyy!! Excited to have more adventures with u! See you laterrrr @1migueldeguzman,” pagtatapos ng birthday message ni Donnalyn.

Sinagot naman ni JM ng “labyu baby” ang sweet message ng girlfriend.

Matatandaang last June inanunsyo ni Donnalyn na sila na ni JM matapos ang matagal na panliligaw ng aktor.