Frasco

DOT, Frasco pinapurihan ni Madrona

Mar Rodriguez Jan 23, 2024
136 Views

Dahil sa tina-target nitong 7.7 million tourist arrivals ngayong 2024 

PINAPURIHAN ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona si Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco matapos itakda ng Department of Tourism (DOT) ang target nitong 7.7 million international arrivals ngayong 2024.

Sinabi ni Madrona na matapos ang naging tagumpay ng Tourism Department noong nakaraang taon (2023) dahil nalampasan nito ang tinatawag na “conservative target” para sa international arrivals. Inaasam naman ngayon ng DOT na makamit ang 7.7 million tourist arrivals sa pagpasok ng 2024.

Dahil dito, pinapurihan ng Chairperson ng Committee on Tourism si Frasco dahil sa ipinapakita nitong pagsisikap at pagpupunyagi para maisulong ang promotion ng Philippine Tourism na magbibigay naman ng napakalaking ganansiya para sa ekonomiya ng Pilipinas at kabuhayan para sa mga Pilipino.

Binigyang diin ni Madrona na inaasahan nilang makakamit ng DOT ang target nitong 7.7 million international visitors ngayong taon. Bagama’t mas mababa ito kumpara noong 2019. Kung saan, nasa 8.2 million ang tourist arrivals bago pumutok ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Madrona na sa pagsisimula ng 2023 noong nakalipas na taon, naitala ang 5.45 million international visitors na mas mataas naman sa inaasahang 4.8 million international arrivals sa pagpasok ng 2024. Bagama’t, kakasimula pa lamang ng kasalukuyang taon. Subalit posibleng makamit naman ang 7.7 million target ng DOT lalo na sa pagpasok ng summer season.

Ayon kay Madrona, ang South Korea ang nananatiling nangungunang international visitor sa Pilipinas. Kung kaya’t kitang-kita na napakaraming Koreano ang nakikitang namamasyal o pagala-gala sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Sapagkat labis umano nilang kinagigiliwan ang pagbisita sa Pilipinas.

“Ang kahulugan ng 7.7 million target na international arrivals ay ang pagsisikap ni Secretary Frasco na mas mapahusay ang Tourism ng Pilipinas. Dito natin makikita kung gaano siya kapursugido na mapaganda pa lalo ang ating turismo at makahikayat ng maraming turista na bumista sa bansa.