DOT

DOT magsusulong ng mga proyekto para tiyak na ligtas mga turista

Jon-jon Reyes May 11, 2024
112 Views

INIHAYAG ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco noong Mayo 8 na magsusulong ang Department of Tourism (DOT) ng mga proyekto para lalong maging safe sa mga turista ang Pilipinas.

“Ang kaligtasan ng mga turista ang aming pangunahing priyoridad. Kaya’t ikinalulugod naming ipakilala at ilunsad ang pinakaunang Philippines First Aid.

Layunin naming magtayo ng hindi bababa sa lima sa mga pasilidad na pangunang lunas ng turista sa taong ito katuwang ang TIEZA (𝘛𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘐𝘯𝘧𝘳𝘢𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘌𝘯𝘵𝘦𝘳𝘱𝘳𝘪𝘴𝘦 𝘡𝘰𝘯𝘦 𝘈𝘶𝘵𝘩𝘰𝘳𝘪𝘵𝘺) at ang 𝘋𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘰𝘧 𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩,” ayon sa opisyal.

Ang bagong flagship project, ayon sa Kalihim, bahagi ng pagsisikap ng DOT na itaas ang katayuan ng turismo ng Pilipinas at maging kapantay ng iba pang mga bansa sa turismo sa mundo, kasama ang iba pang mga hakbangin na inilunsad mula noong nakaraang taon.

Nauna ng inilunsad ng DOT ang Hop-On, Hop-Off Tourist Bus Tours sa mga pangunahing lungsod, pagtatayo ng Tourist Rest Areas, paglulunsad ng Philippine Experience Program sa buong bansa at iba pa.

May plano din ang DOT na magtatag ng karagdagang limang hyperbaric chambers sa buong bansa sa pamamagitan ng infrastructure arm nito–ang TIEZA.

“Nasasabik kaming mag-anunsyo ng pagpapahusay sa aming mga serbisyong medikal. Kasama nito ang pagtatayo at pagdaragdag ng limang hyperbaric chamber sa limang destinasyon sa bansa kabilang ang 𝘗𝘶𝘦𝘳𝘵𝘰 𝘎𝘢𝘭𝘦𝘳𝘢 𝘪𝘯 𝘖𝘳𝘪𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘔𝘪𝘯𝘥𝘰𝘳𝘰, 𝘉𝘰𝘳𝘢𝘤𝘢𝘺, 𝘊𝘦𝘣𝘶, 𝘕𝘦𝘨𝘳𝘰𝘴 𝘖𝘳𝘪𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭, 𝘢𝘴 𝘸𝘦𝘭𝘭 𝘢𝘴 𝘊𝘢𝘮𝘪𝘨𝘶𝘪𝘯,” idinagdag ng pinuno ng turismo.

Ang DOT, sa pamamagitan ng naka-attach na ahensya nito, ang Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD), aktibong nangunguna sa pagbuo at pag-audit ng mga dive site sa buong bansa na dinadala ang kabuuang bilang ng mga dive destination sa 120.

Binangit din ng kalihim ng DOT ang pagpapalakas ng golf tourism sa bansa na layunin higit pang maaakit ang mga Korean tourists.

“𝘖𝘶𝘳 𝘣𝘰𝘯𝘥𝘴 𝘸𝘪𝘵𝘩 [𝘚𝘰𝘶𝘵𝘩 𝘒𝘰𝘳𝘦𝘢] 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳, 𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘰𝘱 𝘴𝘰𝘶𝘳𝘤𝘦 𝘮𝘢𝘳𝘬𝘦𝘵 𝘧𝘰𝘳 2023. 𝘓𝘢𝘴𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘢𝘭𝘰𝘯𝘦, 𝘸𝘦 𝘸𝘦𝘭𝘤𝘰𝘮𝘦𝘥 𝘰𝘷𝘦𝘳 1,450,000 𝘒𝘰𝘳𝘦𝘢𝘯 𝘷𝘪𝘴𝘪𝘵𝘰𝘳𝘴 𝘸𝘩𝘰 𝘤𝘰𝘯𝘴𝘵𝘪𝘵𝘶𝘵𝘦𝘥 𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘢 𝘲𝘶𝘢𝘳𝘵𝘦𝘳 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘰𝘵𝘢𝘭 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘯𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘵 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘵,” sabi ni Frasco.

Ngayong taon, ibinahagi ng pinuno ng turismo, inaasahan ng DOT ang 1.8 milyon hanggang 2 milyong bisita mula sa South Korea dahil kumikilos din ito upang palawakin ang mga air connection sa South Korea.