Frasco Dumalo si DOT Secretary Christina Garcia Frasco sa groundbreaking at partnership para sa pagtatayo ng Tourist Rest Area (TRA) sa Patikul, Sulu.

DOT, TIEZA, Sulu pinirmahan na pagtatayo ng SRA sa Siasi

Jon-jon Reyes Sep 19, 2024
98 Views

PIRMADO na ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at Sulu ang partnership para sa pagtatayo ng Tourist Rest Area (TRA) sa Siasi, Sulu.

“Ang pagtatatag ng isang Tourist Rest Area dito patunay sa pangako ng administrasyong Marcos na suportahan ang momentum ng pag-unlad para sa iyong lalawigan,” sabi ni Frasco.

Ayon sa kanya, ang turismo kapag pinamamahalaan nang matibay nagiging puwersang nagpapasigla sa mga komunidad. Nagdudulot ito ng kita at nagbubukas ng mga pagkakataon para sa paglago ng ekonomiya at pagpapalitan ng kultura.

Ang Tourist Rest Area na ito ang pisikal na sagisag ng pananaw ng ating Pangulo, kung saan ang turismo ang nagtutulak sa paglago ng ekonomiya at ang pinakamahalaga, ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino habang ginigising natin ang mundo sa pagmamahal sa Pilipinas mula sa lente ng ating mga tradisyon at kultura.

Binabalangkas ng memorandum of agreement ang mga tungkulin at pananagutan ng bawat partido sa pagtatayo, pamamahala at pagpapanatili ng TRA na nagbibigay-diin sa pagtutulungan sa pagitan ng DOT, TIEZA at ng lokal na pamahalaan.

Nilagdaan ni Secretary Frasco, Assistant Chief Operating Officer ng TIEZA na si Jetro Lozada at ng lokal na pamahalaan ng Sulu, na kinatawan ni Gob. Abdusakur Tan at Patikul Mayor Kabir Hayudini na sinaksihan nina DOT Undersecretary Myra Paz Valderrosa-Abubakar at Sulu Vice Governor Abdusakur “Toto” Tan II.

May musalla, isang silid ng pagdarasal para sa mga Muslim, ang TRA sa Patikul.

Bukod pa rito, itatampok ng TRA ang mga napapanatiling elemento tulad ng mga solar panel at isang rainwater catchment system.

“Natitiyak ko na ang lalawigan ng Sulu, sa pamumuno ng inyong gobernador, magsisilbing inspirasyon para sundin ng ibang mga lalawigan sa Pilipinas.

Nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa pagsama sa amin sa pangako ng administrasyong Marcos na matiyak na ang turismo patuloy na maging puwersang nagtutulak sa pag-angat ng buhay ng ating mga kapwa Pilipino,” ani Frasco.

Nakiisa rin sa seremonya sina dating Congressman Munir Arbison, Philippine Coast Guard Commodore Marco Antonio Gines, Philippine National Police Provincial Director Narciso Paragas, Provincial First Lady Nurunisah Abubakar-Tan at mga pinuno ng DOT-Sulu

Ang Sulu TRA ang ika-lima sa Mindanao.