LRT

DOTr: Dagdag pasahe sa LRT-1 aprubado na noon pa

Jun I Legaspi Apr 1, 2025
33 Views

NANININDIGAN ang Department of Transportation (DOTr) na matagal nang dapat ipinatupad ang fare adjustment sa LRT-1 upang matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon ng linya ng tren at suportahan ang kinakailangang mga pagpapabuti para sa kapakinabangan ng mga mananakay.

Ang pagtaas ng pamasahe hindi lamang kinakailangan upang matiyak ang maayos at napapanahong maintenance ng LRT-1 kundi upang maisakatuparan din ang pagpapalawig ng linya patungong Cavite sa ilalim ng kasalukuyang PPP contract.

Ang fare adjustment na inaprubahan noong Enero 30, 2025 ang pangalawang beses pa lamang na ipinatutupad matapos ang una noong 2023.

Bukod dito, mas mababa rin ito kumpara sa naunang mungkahing P20 na pamasahe na isinumite ng Light Rail Management Corp.