Calendar
DOTr nakahanap ng pondo para sa feasibility study ng mga railway project
NAKAHANAP ng mahigit $6 milyong pondo ang Department of Transportation (DOTr) para sa feasibility study ng mga panukalang railway project.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista kasama sa mapopondohan ang pag-aaral sa panukalang Panay Railway, Bataan Railway at ang North Long Haul Interregional Railway na mag-uugnay sa Ilocos at Cagayan sa National Capital Region.
Sinabi ni Bautista na ang pagsasagawa ng mga feasibility study ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbutihin ang public transportation system ng bansa.
Magsisimula umano ang feasibility study sa mga nabanggit na proyekto sa mga darating na buwan.
Ayon kay Bautista maghahanap ang DOTr ng dagdag na pondo para naman sa feasibility study ng panukalang San Mateo Railway, Northern Mindanao Railway, at Philippine Transport System Master Plan.