Calendar

DOTr pinuri OTS, PNP
PINURI ng Department of Transportation (DOTr) ang Office for Transportation Security (OTS) at Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasabat ng halos kalahating bilyong piso at iba pang foreign currencies sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na banyaga at dalawang Pilipino.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kailangang magsanib-puwersa ang lahat ng ahensya ng pamahalaan upang labanan ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng bansa.
Tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon na makikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga kinauukulang awtoridad upang isulong ang isang whole-of-government approach sa pangangalaga sa kaligtasan at seguridad ng buong sistema ng transportasyon.