Leni

‘DQ’ vs Leni-Kiko

249 Views

Dahil sa pagtanggap ng pondo mula foreign donors

POSIBLENG maharap umano sa disqualification case ang tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan matapos magyabang ang kaalyado nilang mamamahayag patungkol sa tinatanggap na campaign fund mula sa mga banyaga sa mga bansang Europe at America.

Sa serye ng tweets noong nagdaang Biyernes, March 25, sinabi ng mamamahayag na si Philip Lustre Jr. na inilalagay lamang ng mga foreign donors ang kanilang pera sa Robredo-Pangilinan campaign dahil naniniwala silang ang dalawang pulitiko ang “magpapalakas sa demokrasya.”

“FUNDING support by U.S. and Europe-based pro-democracy entities are pouring to buoy Leni-Kiko candidacy. They include institutions & individuals, who believe in the Leni-Kiko tandem to strengthen democracy in the Phl. BBM is not getting the funds from China. Too mediocre & timid,” ani Lustre na isa sa tinatawag na miyembro ng “Yellow Media.”

Nakasaad sa Omnibus Election Code ang pagbabawal sa lahat ng Pilipinong tumanggap ng kahit anong campaign donations sa banyagang indibiduwal at korporasyon.

Nauna nang inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na maaaring ma-disqualify ang sinumang pulitikong nagso-solicit o tumanggap ng mga campaign donations sa mga foreigners.

Sinabi ni Lustre na ang mga “foreign donations to Philippine presidential campaigns” ay talagang nangyayari, ngunit wala sa mga ito ang umaamin ng totoo.

“WHEN it comes to inflows of foreign & local funds to certain presidential bets, it happens but nobody says or admits it. Our election laws disallow clearly illegal campaign contributions. But who’ll enforce the law? Comelec is capable of institutional cheating. Stay vigilant. [Pouting face emoji],” sabi pa niya.

Kung matatandaan, Oktubre ng nakalipas na taon, mismong si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon pa ang tumawag ng pansin sa kampo ni Robredo matapos ilunsad ang “crowdfunding page” sa social media para sa kandidatura nito kung saan ay walang malinaw na direksiyon kung ang donor ba ay mula sa Pilipino o banyaga.

Ang catch, si Guanzon, matapos magretiro kamakailan, ay hayagan na ring nangangampanya para kay Robredo matapos ang madrama nitong pagretiro nang ilabas agad ang DQ case laban naman sa nangungunang presidential candidate na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Inaasahan namang dadagsain ng maraming DQ case umano sina Leni-Kiko kung saan ay mababaligtad na ang mundo ngayon dahil tiyak kung naabala dati ang Marcos camp sa pagsagot sa mga kaso sa Comelec, posibleng ganito naman ang sapitin ng kampon ng pinklawan.