Calendar

Driver nakagitgitan van ng pulis, nang-away, namaril biktima utas
PATAY sa pamamaril ang driver habang nasa kritikal na kondisyon ang katabi niyang lalaki matapos makagitgitan ang closed van ng pulis sa Tandang Sora Avenue sa Brgy. Old Balara, Quezon City noong Huwebes.
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Ronnie Borromeo, 42, at inoobserbahan naman kasamahan na si Reynaldo Hagos, 51.
Agad na sumuko ang suspek na isang pulis na naka assign sa Batasan Police Station 6
Ayon sa report, nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara.
Sakay ang mga biktima ng Mitsubishi L300 kasama ang mga saksi na sina John Patrick Hagos, Jerald Fernandez at Virgilio Ibay, Jr. nang makasabay ang pulis na si Tuzon na nagmamaneho rin ng Mitsubishi L300 na may marking ng delivery app sa Tandang Sora Ave.
Sa gitna ng trapiko, nagkaroon ng mainit na pagtatalo si Borromeo at ang pulis na humantong sa pagharang ng huli sa sasakyan ng una at muling nagkasagutan.
Dito na binunot ng pulis ang kanyang baril at walang sabi-sabing pinagbabari ang mga biktima.
Nakatakdang sampahan ng QCPD ng kasong Homicide at Frustrated Homicide ang suspek na pulis.