2 magkaibigan tiklo sa pagnanakaw
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Driver tigok sa tusok
Gil Aman
Mar 23, 2026
345
Views
ARESTADO ang 29-anyos na truck helper dahil sa pananaksak at pagpatay sa driver noong Linggo sa compound ng Ayen BJ Trucking Services sa Sanggumay St., Brgy Looc, Calamba City.
Ang arestadong suspek, si alyas Dominic, kakasuhan ng murder sa pagpatay sa biktimang si alyas Junivier, 40, na nagtamo ng maraming saksak mula sa suspek.
Ayon sa imbestigasyon, naghahanda na upang bumiyahe ang biktima bandang alas-10:30 ng gabi ng bigla na lang saksakin ng suspek.
Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek patungo sa main road subalit nakorner ng arresting citizen at dinala sa barangay hall at saka itinurn-over sa pulisya.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

