Droga

Droga nakuha sa SK member

Alfred Dalizon Jul 16, 2025
316 Views

ISANG 23-anyos na opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Siquijor ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy-bust noong nakaraang Lunes.

Ang suspek, si alyas Mar, nahuli sa isang anti-narcotics operation sa Brgy. Ibabao, Siquijor, Siquijor na isinagawa ng mga tauhan ng PDEA Negros Island Region kasama ang mga tauhan ng Siquijor Provincial Police Office bandang alas-5:15 ng hapon.

Ayon sa PDEA, ang akusado ay itinuturing na ‘high-value target’ dahil siya ay isang halal na opisyal ng pamahalaan.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachets na naglalalman ng 0.15 gramo ng pinaghihinalaang shabu, ang buy-bust money at isang cellphone.

Kinumpiska din ang motorsiklo ng suspek.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Siquijor police station at sasampahan ng kasong pag-iingat at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.