Kapulisan magiging mas malawak presensiya sa kalsada
May 21, 2025
Calendar

Metro
Drug suspek nakorner sa bug-bust, 2 parokyano sabit
Jon-jon Reyes
Nov 2, 2024
152
Views
NALAMBAT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4 ang isang drug suspect at dalawang parokyano sa Maria Clara St., Brgy. 483, Zone 43, Sampaloc, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si alyas Yam, 24.
Dawit din sa transaksiyon sa bentahan ng shabu ang dalawang parukyano na sina alyas Jewel, 24, at alyas Guiler.
Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, hepe ng MPD Sampaloc Police station 4, bandang alas-7:30 ng gabi nahuli ang mga suspek.
Nasamsam sa kanila ang may 80 gramong hinihinalang shabu na katumbas ng P544,000.
Valenzuela may bagong ID para sa seniors, PWDs
May 20, 2025