Calendar

Drug suspek tiklo sa P340K na shabu
CAMP BGEN. Paciano Rizal–Aabot sa P340,000 na halaga ng shabu nakumpiska sa isang drug suspek sa joint buy-bust sa San Pablo City noong Lunes.
Kinilala ni Laguna police director P/Col. Ricardo Dalmacia ang suspek na si alyas Arnold.
Sa ulat ng Laguna Provincial Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Cpt. Jose Pacifico Gonzales, chief ng PDEU, nagkasa sila ng joint buy-bust kasama ang mga operatiba ng San Pablo police dakong alas-7:35 ng gabi sa Brgy. San Gabriel, San Pablo City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang 50 gramo ng shabu na may standard price na P340,000.00, P1,000 na ginamit bilang buy-bust money at dalawang P100 bill.
Nasa kustodiya ng San Pablo police ang arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso.