Suarez

DS Suarez sa ‘noisy minority’: Pakinggan boses ng sambayanan sa benepisyo ng ayuda programs

Mar Rodriguez Feb 13, 2025
10 Views

TAMA na ang paninira. Makinig kayo sa sambayanang Pilipino.”

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon nitong Huwebes kasabay ng kanyang pagbasura sa “noisy minority” na naninira sa ayuda program ng pamahalaan at ayaw kumilala sa suportang ibinibigay dito ng sambayanan.

Tinukoy ni Suarez ang resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, kung saan 80 hanggang 90 porsiyento ng mga Pilipino ang kumikilala sa benepisyo ng social welfare programs gaya nga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Walang Gutom Program.

“The numbers are clear – the vast majority of Filipinos believe that these ayuda programs work. Those who continue to criticize them represent only a small, disconnected group that refuses to acknowledge their importance,” ani Suarez.

Binigyang-diin niya na ang Kamara de Representantes, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ay nananatiling matatag sa pagtiyak na magpapatuloy ang mga programang ito sa kabila ng pagtutol ng ilang sektor.

“The inclusion of AKAP in the national budget was a deliberate decision because it provides real relief to struggling families. We stood our ground against attempts to remove it because we know how much it helps our people,” dagdag pa niya Suarez.

Hindi rin aniya tama at hindi patas na sabihin na ginagawang dependent sa gobyerno ang mga binibigyan ng ayuda.

“These programs are not mere handouts. They are investments in our people, ensuring that government resources under the Marcos administration reach those who need them the most. The goal is not just assistance, but empowerment,” paliwanag niya.

Sinang-ayunan ito ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City at binibigyang-diin na ang mga programa ng ayuda ay bahagi ng isang mas malawak na diskarte para sa inklusibong paglago ng ekonomiya.

“This is how we ensure that economic progress benefits everyone, not just a privileged few. Public funds must be used to uplift those in need, providing financial relief, employment, and food security,” ani Dalipe

Tinukoy pa ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga na sa nakalipas na taon, iilang inisiyatiba lang ng pamahalaan ang nakakuha ng ganito kalaking suporta mula sa publiko.

“Kung halos lahat ng Pilipino ay sang-ayon sa mga ayudang ito, bakit naman tayo magpapadala sa paninira at pag-iingay lamang ng iilan? Bakit sila na minority ang magdidikta ng public policy kung sa mayorya ng mamamayan ay beneficial itong mga ayudang ito?” Sabi ni Gonzales.

Hinimok ni Suarez ang mga kritiko iwaksi ang pagkakawatak-watak at sa halip ay ituon sa paghahanap ng solusyon ang kanilang oras para makatulong sa pagpapa-angat ng buhay ng mga Pilipino.

“Instead of attacking programs that provide real help, let’s work together to make them even more effective. We should focus on improving lives, not engaging in baseless debates,” saad niya.