Engkwentro sa Basilan: 2 sundalo dedo, 12 sugatan
Jan 23, 2025
Lalaki, 18, natagpuang nakabigti sa ilalim ng tulay
Jan 23, 2025
Calendar
(Photo from DSWD)
Nation
DSWD humirit ng pondo para sa centenarians
Peoples Taliba Editor
Oct 4, 2022
201
Views
UMAPELA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pondo para maibigay ang P100,000 cash gift para sa mga nagdiwang at magdiriwang ng kanilang ika-100 kaarawan.
Ayo kay DSWD Secretary Erwin Tulfo nasa 600 centenarian ang naghihintay ng kanilang P100,000 cash gift mula sa gobyerno alinsunod sa batas.
Sumulat na umano ang DSWD sa Office of the President at nag-request na rin sa Kongreso na dagdagan ang kanilang pondo para sa susunod na taon upang maibigay na ang benepisyo.
Bukod sa cash gift kapag umabot sa 100-taong gulang, ang mga mahihirap na senior citizen ay mayroong buwanang social pension. Mula sa P500 kada buwan ngayong taon ay magiging P1,000 ito sa susunod na taon alinsunod sa batas.
PBBM nagpasalamat sa tulong ng ADB sa Pinas
Jan 23, 2025
Bagong bersyon ng sex education susuriin ni PBBM
Jan 23, 2025