DTI

DTI hinimok habulin nagbebenta ng substandard reinforcement bars

61 Views

SA gitna ng pagdagsa ng substandard na steel reinforcement bars, o rebars, sa merkado, hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Department of Trade and Industry (DTI) na habulin ang mga manufacturer at importer, at nanawagan para sa pagsuspinde ng kanilang mga permit at lisensya.

Ang pahayag ni Pimentel ay kaugnay ng pagkakatuklas ng DTI at Philippine Iron and Steel Institute (PISI) ang substandard na rebars sa Mindanao at Hilagang Luzon.

“We should revoke their permits and tighten quality control measures to limit the importation of substandard rebars. Alam naman natin kung saan galing ‘yan. Kailangang may managot at nang hindi tularan ng ibang manufacturers and importers,” ani Pimentel.

Ayon kay Pimentel, panahon na upang habulin ang mga steel manufacturers at importers dahil ang pagbebenta ng mga mababang kalidad na materyales sa konstruksiyon ay seryosong banta sa kaligtasan ng publiko.

“The use of these low-quality construction materials could compromise the structural integrity of construction projects such as private houses that use substandard rebars,” dagdag pa niya.

Pinuri ni Pimentel III ang DTI at PISI sa kanilang mga pagsisikap, ngunit iginiit niya na dapat higitan pa ng gobyerno ang simpleng pagbili ng test-buys.

“These substandard rebars and all other low-quality materials could put lives at risk. The DTI and PISI should conduct nationwide test-buy operations and crackdown on manufacturers, sellers and importers,” ani Pimentel.

Sa kamakailang test-buy operation na isinagawa ng DTI at PISI mula sa mga hardware store sa Davao del Sur, Davao del Norte, Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Zamboanga del Norte, Samal Island, Cotabato City, Pagadian City, at Iligan City mula Setyembre 9 hanggang 13, natuklasan nila na ang mga rebars sa Mindanao ay hindi pumasa sa minimum na pamantayan para sa timbang at madaling mabali.

Natuklasan din nila na ang Hilagang Luzon ay binabaha ng substandard na rebars.

Ayon sa PISI, “The steel industry had found substandard rebars in random test buys in Mindanao last September, just a few weeks after finding the same problem in its July test buys in Northern Luzon.”

Batay sa impormasyong nakalap mula sa mga test-buy, sinabi ng PISI na “the inferior rebars are enough to build more than 10,000 houses per month, putting at risk up to 30,000 people.”

Dagdag pa rito, sinabi ni Pimentel na dapat tiyakin ng gobyerno, lalo na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na walang substandard rebars o anumang materyales sa konstruksyon ang ginagamit sa mga proyekto ng imprastruktura, lalo na sa pagtatayo ng mga pampublikong kalsada, tulay, paaralan, at gusali.