PCG Source: PCG FB post

DTI may P2B saklolo sa mga negosyanteng apektado ng bagyo

Chona Yu Oct 25, 2024
58 Views

MAY alok na tulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga maliliit na negosyante na naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque na nasa P2 bilyon ang alok ng Small Business Corporation na isang attached agency ng DTI.

Isa aniya itong bangko na nasa ilalim ng DTI na nagpapautang sa mga apektadong negosyante ng hanggang P300,000.

“So, ang mechanics nito, for the first year – zero percent interest for the first year; for the second year, one percent per month. And kahit walang principal payment, basta nasalanta ng bagyo, they can avail of this fund. So, iyong mga negosyo na naapektuhan o mga negosyante na nag-aalala, please avail of this fund. Punta lang kayo sa sbcorp.gov.ph para maka-register na kayo,” pahayag ni Roque.

Maari aniyang pag-apply ng rehabilitation program ang mga negosyante bsimula kahapon, Oktubre 25 hanggang hanggang Disyembre 2024 at posibleng mapalawig hanggang Enero 31,2025.

Sa ngayon mayroon aniyang 102 Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na magpapatupad ng price freeze ang DTI sa presyo ng mga basic commodities sa mga apektadong kugar sa loob ng 60 araw.

Dalawang libong piso hanggang P2 milyong multa at pagkabilang ng lima hanggang 15 taon ang maaring ipataw sa mga magsasamantalang negosyante.

Nasa limang probinsya at 19 bayan ang nasa ilalim ng state of calamity.