Calendar
Dulce tumakas sa clinic na planong iretoke ang kaniyang ilong
IKINUWENTO ng veteran singer na si Dulce ang ginawa niyang “pagtakas” noon mula sa isang clinic na planong iretoke ang kaniyang ilong, na ayaw niyang ipagalaw.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi ni Dulce na nabansagan siyang “rebelde” ng kaniyang team nang inihahanda noon ang kanyang album.
“Ayokong pumayag na gawin ‘yung mukha ko,” sabi ni Dulce tungkol sa pagtawag sa kanya na rebelde.
Paliwanag niya, nais ng namamahala sa kanyang career noon na sumailalim siya sa retoke para “pagandahin” siya.
“Eh ayoko talaga,” pagbahagi niya, partikular sa pagpapagalaw sa kanyang ilong.
Ayon kay Dulce, dinala siya noon sa isang ospital at pinapunta sa isang clinic na hindi niya alam ay plano palang iretoke ang kanyang ilong na bigla na “sinukat.”
“‘Ano ‘yan?’ Tapos drawing drawing kasi nga i-aayos na nga. No, I ran away. Tumakbo talaga ako. Sabi ko, ‘No. Hindi po ako puwede talaga magpagalaw,'” pagbahagi ng singer.
Paliwanag ni Dulce, naging paninindigan niya na huwag magparetoke dahil nakilala naman siya dahil sa kanyang tinig.
“I really believe na kung dumating man ako rito, nakaabot ako ng Maynila, it’s because of the voice that God gave me. Ngayon meron akong fear na kapag ginalaw ang ilong, eh talaga magbabago or ano man ang mangyari,” saad niya.
Nagmula sa Cebu si Dulce na nagsimula ang career sa pamamagitan ng pagsali sa mga singing contest noong 1975.
Noong 1979, nanalo si Dulce sa Asian Singing Competition nang awitin niya “Ako Ang Nasawi, Ako Ang Nagwagi.” Ilan pa sa mga hit song niya ang “Paano” at “Kastilyong Buhangin.”
Kasama si Dulce sa gaganaping worship concert ng non-governmental organization Christian Broadcasting Networks (CBN) Asia, “Beyond Measure.”
Mangyayari ito sa September 24, 5 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.
Orange and Lemons kay Chelsea: Very humble, hindi scripted
NAG-ENJOY ang Filipino alternative pop banD na Orange & Lemons sa pakikipagtrabaho kay Miss Universe Philippines Chelsea Manalo para sa music video ng 2022 hit nila na “La Bulaqueña.”
“We were together for a day. She was so wonderful to work with. Very humble. Hindi scripted. She was fun to work with. Game na game. Sobrang kalog lahat ng movements,” sey ng O&L singer-songwriter and guitarist Jared Nerona.
Ayon sa grupo, kinuha nila si Chelsea para sa project, after nilang mapanood ang TikTok video nito inspired by Juan Luna’s painting, La Bulaqueña.
“Ginaya niya ‘yung painting, kung ano yung suot and then sa Tiktok ginamit niya yung music. The timing is right.”
The music video is the first to be shot inside the National Museum of Fine Arts that houses La Bulaqueña.
“We want to promote culture and arts. Andoon na kami sa point in our career. Not only music, the artist, but tourism we want to promote also. This is our way of paying it forward.”
Euwenn gustong maging martial artist
BUKOD sa pag-arte, sinusubukan na rin ngayon ng award-winning child actor at Forever Young star na si Euwenn Mikaell ang sports tulad ng boxing at jiu-jitsu.
Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, makikita ang video ni Euwenn habang game na game sa pagte-training.
“Euwenn say yes to taking on new challenges,” caption ng Sparkle.
Sabi naman ni Euwenn sa kanyang naging training: “Pogi kahit pagod.”
Samantala, excited na si Euwenn para sa kanyang unang TV lead role sa GMA, ang Forever Young, na mapapanood na simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.
Sa inspirational drama series, makakasama ni Euwenn sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte,Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, James Blanco, Matt Lozano, Yasser Marta, at Abdul Raman.