BBM > Sina presidential candidate dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte. Mga kuha ni VER S. NOVENO

Duterte, Marcos mananalo sa QC—Bistek

587 Views

SaraMANANALO sa Quezon City sina presidential candidate dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni senatorial aspirant Herbert “Bistek” Bautista na nakatatlong termino bilang alkalde ng Quezon City.

Ayon kay Bautista noong 2016 elections, si Pangulong Rodrigo Duterte at si Marcos ang nanalo sa lungsod.

Sa darating na halalan ay mauulit umano ito subalit baliktad naman. Si Marcos ang mananalo sa pagkapangulo at si Mayor Sara naman ang magiging bise presidente.

“Kaya uulitin natin ‘yan sa Quezon City, pero this time baliktad naman. Ang ating ipapanalo sa Quezon City bilang presidente ay wala pong iba kundi si President Bongbong Marcos, at ang atin pong vice president ay si Vice President Sara Duterte,” sabi ni Bautista.

Sumegunda naman kay Bautista sina QC mayoral candidate at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at vice mayoral aspirant Councilor Winnie Castelo.

Ayon kay Defensor mahihirapang mabura ang pangalang Duterte dahil sa dami ng magagandang proyekto na ginawa ni Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Castelo na makukuha nina Marcos at Duterte ang hindi bababa sa 70% ng mga boto ng lungsod.

“Ngayon palang sinasabi po namin, dito sa Batasan, dito sa buong Quezon City, tapos na ang halalan, may nanalo na! Panalo na si Mayor Inday Sara Duterte. Kaya po masasabi po natin dahil sa kanyang magandang track record na pinaka-magaling na mayor sa buong Pilipinas,” sabi ni Castelo.

Mayroong 1.4 milyong botante ang Quezon City.