Vic Reyes

Duterte nakakulong dahil pinabayaang lumaki ng lumaki ang sunog

Vic Reyes Apr 3, 2025
31 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa Japan at Oman.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki , Patricia Coronel, Tata Yap Yamazaki, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at suempre kay Hiroshi Katsumata, ang kaibigan ng mga Pinoy sa Japan.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Marami ang napapakamot ng ulo kung bakit ang administrasyon ni Pangulong Marcos ang sinisisi sa mga problemang kinakaharap ngayon ngayon ni dating Pangulong Duterte.

Maliwanag naman na ang mga problemang ito ay nagsimula noong pang administrasyon Duterte.

Dapat inaksyunan na noon pa ni Digong ang mga problema para hindi lumaki ang sunog.

Bakit pinabayaan ni Duterte na lumaki ng lumaki ang sunog?

Kaysa aksyunan ang mga reklamong idinulog sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague ay lumayas pa ang Pilipinas sa grupo.

Pinutol natin ang opisyal nating ugnayan sa ICC.

Pinabayaan ng gobyerno na mag-imbestiga ang ICC sa tulong ng mga kamag-anak ng mga biktima umano ng giyera ni Daturte laban sa illegal drugs.

Sa tulong ng mga abogadong Pinoy ay nagpursige ang mga biktima umano ng drug war ni Duterte.

Isa pa, mga pribadong indibidual ang naghain ng kaso laban kay dating Pangulong Duterte at mga kasama.

Sa totoo lang, hindi nga nakialam ang gobyerno sa mga kaso sa ICC.

Inuulit natin, mga pribadong tao ang naghain ng mga kaso laban sa mga suspek,

Ang tanging ginawa ng gobyerno ay tumulong sa International Police (Interpol).

Hindi tayo puwedeng tumalikod sa obligasyon natin sa Interpol dahil sila naman ang tumutulong sa atin kapag may hinahanap tayong tao sa labas ng Pilipinas.

Inuulit natin, pinabayaan ng dating administrasyon ang mga hinaing ng libu-libong biktima ng drug war ni Digong.

Hindi kasalanan ni Pangulong Marcos kung bakit nakakulong ngayon si dating Pangulong Duterte sa The Hague.

***

Kailangan natin sa Kongreso ang mga mambabatas na naniniwala sa mga programa at proyekto ng gobyerno ni Pangulong Marcos.

Walang mangyayari sa atin kung meron tayong mga “destructive critics” sa gobyerno.

Sa isang demokrasya, kailangan natin ang oposisyon.

Pero ang kailangan natin ay iyong mga “constructive critics,” na ang tanging hangad ay mapabuti ang serbisyo sa bayan at taumbayan.

Hindi natin kailangan ang mga taong ang tanging gusto ay pabagsakin ang kasalukuyang gobyerno.

Tumulong kayo para mapaganda ang buhay ng tao at hindi maghasik ng lagim at kaguluhan sa bansa.

Ganyan nga ang ginagawa ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang tanging gusto ni Speaker Romualdez ay pumasa ng maayos ang “legislative agenda ng kanyang pinsang si Pangulong Marcos.

Umaasa tayo na tuloy ang suporta ng mga mananalong mambabatas sa darating na eleksyon sa Mayo 12.

Good luck, Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.