Dy1

Dy: Dapat kumpiskahin ng pamahalaan mga POGO assets

Mar Rodriguez Jul 30, 2024
104 Views

š—•š—œš—Ÿš—”š—”š—š š—¶š˜€š—® š˜€š—® š—ŗš—“š—® “š—®š—»š˜š—¶-š—£š—µš—¶š—¹š—¶š—½š—½š—¶š—»š—² š—¢š—³š—³š˜€š—µš—¼š—暝—² š—šš—®š—ŗš—¶š—»š—“ š—¢š—½š—²š—暝—®š˜š—¼š—暝˜€ (š—£š—¢š—šš—¢)” š—®š—±š˜ƒš—¼š—°š—®š˜š—²š˜€, nš—®š—»š—¶š—»š—¶š—»š—±š—¶š—“š—®š—» š˜€š—¶ š—œš˜€š—®š—Æš—²š—¹š—® šŸ²š˜š—µ š——š—¶š˜€š˜. š—–š—¼š—»š—“. š—™š—®š˜‚š˜€š˜š—¶š—»š—¼ “š—œš—»š—»š—¼” š—”. š——š˜† š—© š—»š—® š—±š—®š—½š—®š˜ š˜€š—¶š—ŗš˜‚š—¹š—®š—» š—»š—“ š—øš˜‚š—ŗš—½š—¶š˜€š—øš—®š—µš—¶š—» š—»š—“ š—½š—®š—ŗš—®š—µš—®š—¹š—®š—®š—» š—®š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—½š—®š—“-š—®š—®š—暝—¶ š—®š˜ š—¶š—Æš—®’š˜-š—¶š—Æš—®š—»š—“ š—®š˜€š˜€š—²š˜š˜€ š—»š—“ š—ŗš—“š—® š—–š—µš—¶š—»š—²š˜€š—² š—»š—®š˜š—¶š—¼š—»š—®š—¹š˜€ š—»š—® š—»š—®š˜€š—® š—¹š—¶š—øš—¼š—± š—»š—“ š—ŗš—®š—¹š—®š˜„š—®š—ø š—»š—® š—¼š—½š—²š—暝—®š˜€š˜†š—¼š—» š—»š—“ š—»š—®š˜€š—®š—Æš—¶š—»š—“ š—¶š—¹š—¹š—²š—“š—®š—¹ š—»š—® š˜€š˜‚š—“š—®š—¹ š˜€š—® š—£š—¶š—¹š—¶š—½š—¶š—»š—®š˜€.

Gaya ng paniniwala ni Senator Risa Hontiveros, ganito rin ang paninindigan ni Dy na kailangan talagang kumpiskahin ng gobyerno ang anumang pag-aari ng POGO na maaari din naman mapakinabangan.

Pagdidiin pa ni Dy, sabihin man na nagpalit ng anyo ang dating POGO na ngayo’y tinatawag na Internet Gaming Licenses (IGL) iisa parin aniya ang kulay nito.

Aniya nakakulapol pa rin dito ang samu’t-saring kriminalidad gaya ng krimen, kidnapping, human-trafficking, prostitution, torture, bentahan ng illegal na droga at iba pa.

Sabi din ng kongresista, kahit gaano man kalaki ang ganansiya o income na nakukuha ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) mula sa POGO hindi parin aniya maikakaila na napakalaking panganib at banta din ang naidudulot ng POGO sa seguridad ng bansa kabilang na ang katahimikan ng mamamayang Pilipino.

Ipinahayag ni Dy na maraming ari-arian ang POGO na maaaring mapakinabangan ng pamahalaan na puwede rin ibigay sa mga naging biktima ng POGO o yung mga taong nakaranas ng matinding hirap at pagmamalabis.

Ikinagalak din ni Dy ang naging posisyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. laban sa POGO na inihayag nito sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).