Calendar
Dy nakatutok sa proyekto kahit busy sa budget briefing
๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฑ๐๐น๐ฒ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฒ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ผ โ๐๐ป๐ป๐ผโ ๐. ๐๐ ๐ฉ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ โ๐ฏ๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ณ๐ถ๐ป๐ดโ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ผ, h๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ-๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
Pinangunahan ng House Deputy Majority Leader ang inagurasyon ng ipinagawa nitong multi-purpose building project para sa Barangay Silauan Sur Echage, Isabela na nagkakahalaga ng P2.9 million para mapakinabangan ng kaniyang mga kababayan.
Ayon kay Dy, ang nasabing multi-purpose building ay isa lamang sa mga nakahilerang proyekto nito para matulungan ang kaniyang mga kalalawigan na magkaroon ng kombinyenteng pasilidad na maaari nilang pakinabangan kabilang na ang pagpapatayo ng mga bagong paaralan.
Paliwanag ni Dy, sa kasalukuyan ay abalang-abala ang Kamara de Representantes dahil sa isinasagawang budget deliberation para sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang ilatag ang kanilang proposed national budget para sa susunod na taon (2025).
Sinabi ng kongresista na sa kabila ng kaniyang mahigpit na schedule. Hindi pa rin nito nakakaligtaan na tutukan ang mga ikinasa nitong โinfrastructure projectsโ sa kaniyang Distrito upang hindi matengga o kayaโy magkaroon ng delay sa paghahatid niya ng serbisyo.
Dagdag pa ni Dy na naging katuwang nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Unit (LGU) ng Echague sa pangunguna ni Mayor Kiko Dy.