Dy, nakikisimpatya sa pagkabahala ng kapwa nito mambabatas kaugnay sa isyu ng NGCP

Mar Rodriguez Jan 21, 2025
16 Views

NAKIKISIMPATYA si House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V kaugnay sa nararamdamang pagkabahala ng kapwa nito kongresista patungkol sa pagdomina ng China sa kontrol ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Binigyang diin ni Dy, Vice-Chairman ng House Committee on Tourism, na lubhang nakakabahala ang posibleng maging implikasyon ng ng paghawak o pagkontrol ng mga Chinese sa matatas na posisyon sa NGCP kung saan ay sila aniya ang gumagawa ng mga desisyon.

Ayon sa kongresista, nauunawaan nito ang pinaghuhugutan ng pangamba ni Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, sapagkat mahalaga aniya ang kuryente sa pagpapanatili ng seguruidad ng bansa.

Ipinaliwanag din ni Dy na dahil ang mga Intsik ang may kontrol sa NGCP maaaring sila rin ang may kapangyarihan upang mawalan ng kuryente sa buong Pilipinas na maituturing na isang matinding “security threat” para sa bansa kung saan ang mamamayan ang pangunahing maaapektuhan.

Samantala, pinangunahan naman ni Dy ang isinagawang medical mission sa Isabela upang matulungan ang mga mahihirap na pasyente sa kanilang lalawigan na makapag-paggamot mula sa iba’t-ibang karamdaman gaya ng breast surgeries, gal bladder surgery at iba pa.

To God be the Glory