Calendar
Dy pinangunahan inagurasyon ng multi-purpose project nito bilang paghahanda sa kalamidad
DAHIL sa kasalukuyang panahon ng kalamidad tulad ng naganap na pananalanta ng bagyong Kristine pinangunahan ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V ang inagurasyon ng ipinagawa nitong multi-purpose building para sa Barangay Palawan, San Guillermo, sa lalawigan ng Isabela.
Sabi ni Dy na maliban sa paghahanda sa panahon ng kalamidad, layunin din ng kaniyang project na mapabuti ang kondisyon sa kaniyang Distrito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang gusali na mapapakinabangan ng mga residente dito.
Paliwanag ng kongresista na maaaring maggamit ng libo-libong residente ang multi-purpose building na ginastusan ng tinagayang nasa P4.9 million para sa mga mahahalagang okasyon at event sa bayan ng San Guillermo kabilang na ang paggamit dito bilang evacuation area sa panahon ng malakas n bagyo.
“Maaari itong maggamit ng ating mga kababayan sa maraming kadahilanan. Kasama na dito ang paggamit sa multi-purpose bilang evacuation center sa panahon ng bagyo. Ito’y talagang tinutukan natin para mapakinabangan ng ating mga kababayan,” wika ni Dy sa nasabing inagurasyon.