Dy

Dy sang-ayon sa pahayag ng PCO na lalo lang nagkakawatak-watak mga Pinoy dahil sa fake news

Mar Rodriguez Mar 23, 2025
34 Views

Dy1Dy2KINAKATIGAN ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V ang pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) na lalo lamang pinagwawatak-watak at pinaghahati-hati ng talamak na fake news at disinformation sa social media ang mga Pilipino.

Sabi ng House Deputy Majority Leader na mas lalo pang pinapalala ng mga pekeng social media posts ang hindi pagkaka-unawaan ng mga Pilipino. Kung saan ang dati nang hindi sigalutan ay mas lumalala ngayon dahil narin sa kagagawan ng mga salbaheng vloggers na nagpapakalat ng mga fake news at disinformation.

Dahil dito, ikinalulungkot ni Dy na sa halip na maayos ang hindi pagkaka-unawaan nating mga Pilipino. Lalo pa itong pinalulubha ng mga vloggers sa pamamagitan ng mga mapanirang puring social media post kung saan ang iba aniya ay masyado ng “bellow the belt” o hindi na dapat pino-post.

Pagdidiin pa ni Dy na mistulang iniinstiga o pino-provoke ng mga naturang vloggers ang ilang mamamyan na magalit sa pamahalaan. Habang pinagsa-sabong naman nila ang mga pro-Duterte at pro-Marcos.

Ikinagalak din ng kongresista ang ginagawang imbestigasyon ng House Tri-Committee patungkol sa laganap na fake news at disinformation sa social media. Kung saan muling binigyang diin ni Dy na nararapat lamang ito para mapanagot ang mga iresponsableng vloggers na nasa likod ng mga laganap na fake news.

Samantala, sa kabila ng masamang panahon, nagsagawa pa rin si Dy ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa Barangay San Felipe sa bayan ng Echague para kamustahin ang kalagayan ng mga residente ng nasabing lugar.

Agon kay Dy, ang pangunahing pinag-usapan nila sa ginanap na kamustahan ay ang pagkakaroon ng maayos na daloy ng kuryente, road concreting projects at street lights na ilan sa mga proyektong isinulong nito para sa Barangay San Felipe.

Nabatid pa sa mambabatas na maramimg residente ang na-benepisyuhan ng kaniyang mga proyekto.