Calendar
E-jeepney ibinida sa Pasig ni Manong Chavit
NAGING isang beacon of innovation ang Pasig City nang magsama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts, kung saan ibinida rito ang mga e-jeepney na siyang magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation.
Ito ay inorganisa ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson at ni Ako Ilocano Ako Party-list Rep. Richelle Singson.
Kasama sa pagpapasinaya ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, ang chief executive officer ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum, director ng E-Mon Korea; at LCSC E-Mon operations manager Jinhee Kim.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Manong Chavit ang kanyang adhikain na gawing moderno ang public transportation system sa bansa sa pamamagitan ng electric vehicles.
“Ito na ang magiging simula ng sustainable at innovative future ng bansa,” sabi ni Manong Chavit, na numero 58 sa Senate ballot.
“Sa pamamagitan ng mga electric jeepneys, makakatulong tayo hindi lamang sa ating mga kababayan kundi maging sa ating kalikasan,” dagdag niya.
Inihayag naman ni Rep. Singson ang kanyang pagsang-ayon sa inisyatibo ni Manong Chavit.
“This initiative is a testament to how cooperation can address urban mobility challenges. Your work sets a benchmark for innovation and sustainability,” sabi ng mambabatas.
Ipinaliwanag naman ni Jong Gwan Rah ang technical aspects, ang kanyang insights sa Micro-EVs, ang proof-of-concept processes at ang kanilang pagnanais na magkaroon ng patas at sustainable mobility.
“Our goal is to promote fairness and innovation in the future of transportation, ensuring these advancements benefit all sectors of society,” sabi ni Rah.
Itinampok sa pagpapasinaya ang mga electric jeepney na may modernong disenyo at mga eco-friendly feature.
Ayon kay Manong Chavit, ito na ang magiging sagot sa mga problema sa urban mobility at makatutulong rin ito sa pagbawas ng carbon emissions na siyang magtataguyod ng sustainable public transport system sa bansa.
Dagdag pa niya, ito rin ang magiging daan upang manguna ang Pilipinas bilang isang bansa na may sustainable transportation innovation.
“Magtulong-tulong tayo upang makamit natin ang isang sustainable na kinabukasan para sa lahat,” saad ni Manong Chavit.