BBM2

e-Visa ng mga piling nationality pinalawig ni PBBM

137 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng e-visa para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese nationals upang mahimok na bumisita ang mga ito sa bansa.

Inilabas ng Pangulo ang utos sa pakikipagpulong nito sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector group sa Malacañang.

Inirekomenda rin ng PSAC sa Pangulo na isama ang mga Indian national sa mga citizen sa visa-upon-arrival program.

Mula Pebrero hanggang Disyembre 2022, umabot sa 2.65 milyong indibidwal ang dumating sa bansa. Sa bilang na ito 2.02 milyon ang foreign tourist at 628,445 ang returning Filipino.

Mas mataas ito sa 163,879 tourist arrival noong 2021 pero mas mababa pa sa 8.26 milyon bago ang pandemya.

Ngayong taon, 4.8 milyon ang inaasahang tourist arrival ng Department of Tourism (DOT).