Eagless Tagisan ng galing sa Ateneo-Adamson match. UAAP photo

Eagles, Archers wala pang talo

Theodore Jurado Apr 1, 2022
270 Views

SUMANDAL ang defending champion Ateneo at La Salle sa kanilang maasahang big men upang manatiling walang talo tungo sa rivalry game ngayong weekend sa pagpapatuloy ng UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena kahapon.

Nagsumite si naturalized slotman Ange Kouame ng double-double effort na 13 points at 10 rebounds nang iposte ng Blue Eagles ang pinakamalaking panalo ngayongs season – ang 78-47 pagdurog sa Adamson.

Namayagpag rin si senior center Justine Baltazar sa ilalim na may 20 points at 11 rebounds upang pamumuan ang Green Archers sa 75-65 tagumpay kontra sa Far Eastern University at iposte ang pinakamagandang simula magmula pa noong 2017.

Sa ikatlong laro, nagbida si Ricci Rivero sa fourth quarter breakaway nang pataubin ng University of the Philippines ang National University, 80-70, upang umangat sa 2-1 sa ikatlong puwesto at makadikit sa co-leaders.

Wala pang talo sa tatlong laro, bubuksan ng Ateneo at La Salle ang bagong yugto ng kanilang matinding karibalan sa alas-7 ng gabi, kung saan inaasahang magbibida sina Kouame at Baltazar sa match-up na lalaruin na walang fans.

Sumandal ulit ang Eagles sa isa na namang malakas na third quarter, at hindi tulad sa unang dalawang laro ay nasustina naman ng Katipunan-based squad ang matikas na laro nang ma-outscore ang Falcons, 21-13, sa final canto.

Ang lahat na 14 players na isinalang ni Ateneo coach Tab Baldwin ay nakaiskore.

“We think everyone has a job to do. Today, we got everyone on the floor which we should do,” sabi ni Baldwin matapos mapalawig ng Eagles ang kanilang winning run sa 29 games.

Ang 47 points ng Adamson ay siyang pinakamababang scoring output nila magmula noong natalo sa University of Santo Tomas, 49-50, noong July 26, 2014.

Nasa pinakamagandang simula magmula noong Season 80 kung saan pumangalawa sila, lumayo ang La Salle sa huling limang minuto upang magtagumpay.

“As I told the boys, Ive been talking about that this game is for positioning for us. This will lead us to a good position,” sabi ni coach Derrick Pumaren, na nanataling walang talo sa kanyang ikalawang tour of duty sa Archers.

“Hopefully we can use this as a springboard when we face Ateneo. We just have to get back to the drawing board to know what to do against Ateneo,” aniya.

Nagpakawala ang La Salle ng 10 triples, kung saan tumirada si transferee Mark Nonoy ng 15 sa kanyang 17 points sa labas ng arko.

Ang hook shot ni Baltazar ang siyang sumindi ng 9-0 run ng Archers upang itarak ang 71-61 abante at hindi na lumingon pa.

Nanguna si Rivero para sa Fighting Maroons na may 19 points, apat assists, tatlong rebounds at dalawang steals habang nagdagdag si Carl Tamayo ng 13 points at walong boards.

Nahulog naman sa triple tie sa 1-2 ang Falcons, ang Tamaraws at ang Bulldogs.

Mga iskor:

Unang laro

Ateneo (78) — Kouame 13, Tio 9, Koon 9, Padrigao 8, Verano 8, Gomez 8, Ildefonso 6, Chiu 3, Mendoza 3, Mamuyac 3, Belangel 2, Lazaro 2, Andrade 2, Berjay 2.

AdU (47) — Zaldivar 6, Douanga 6, Manzano 5, Yerro 5, Jaymalin 5, Hanapi 5, Lastimosa 4, Magbuhos 3, Peromingan 2, Sabandal 2, Erolon 2, Colonia 1, Calisay 1, Barasi 0, Fuentebella 0, Maata 0.

Quarterscores: 17-8, 36-24, 54-34, 78-47

Ikalawang laro

DLSU (75) — Baltazar 20, Nonoy 17, Lojera 10, Winston 9, Austria 9, M. Phillips 6, Nelle 4, Manuel 0, Nwankwo 0, B. Phillips 0.

FEU (65) — Gonzales 17, Ojuola 13, Abarrientos 9, Bienes 9, Sajonia 6, Torres 5, Sandagon 4, Li 2, Alforque 0, Sleat 0, Gravera 0, Coquia 0.

Quarterscores: 19-18, 32-32, 58-50, 75-65

Ikatlong laro

UP (80) — Rivero 19, Tamayo 13, Cagulangan 9, Fortea 8, Cansino 8, Spencer 6, Lucero 5, Diouf 4, Alarcon 4, Catapusan 2, Abadiano 2, Ramos 0, Lina 0.

NU (70) — Malonzo 11, Torres 10, Clemente 9, Mahinay 9, Felicilda 8, Ildefonso 7, Enriquez 4, Galinato 4, Tibayan 4,

Joson 2, Manansala 2, Figueroa 0, Minerva 0, Yu 0.

Quarterscores: 20-25, 42-39, 55-53, 80-70.