Echo

Echo inulan ng kantyaw sa pag-alis ni Janine

Vinia Vivar Sep 5, 2024
45 Views

Katakut-takot na kantyaw ang inabot ni Jericho Rosales mula sa netizens sa comment niya sa post ng labs niyang si Janine Gutierrez.

Kasalukuyang nasa Italy kasi ang aktres para sa premiere ng Lav Diaz film na “Phantosmia” sa Venice International Film Festival.

Sa Instagram account ni Janine ay proud na ibinandera ng aktres ang pagrampa niya sa red carpet ng naturang prestihiyosong international filmfest.

Isa sa si Echo sa mga nagkomento rito at ‘kaaliw ang kanyang sinabi.

“Medyo hirap na ang kalooban ko,” ani Echo.

Super-kilig naman ang netizens and at the same time ay tawa sila nang tawa sa comment ng aktor.

Sa isang reel naman ni Janine ay nagkomento rin si Echo. Obvious na proud na proud siya sa kanyang lady love.

“You look like a dream Congratulations to you and @phantosmiafilm!!!” mensahe ng aktor kay Janine.

Matatandaang kamakailan ay inamin ni Echo na nasa dating stage sila ni Janine.