Mendez

Ecija police ni-raid iligal na pangangalakal ng petrol, P17K diesel nasamsam

Steve A. Gosuico Mar 17, 2022
327 Views

 GAPAN CITY – Nagsagawa ng buy-bust ang mga awtoridad at naaresto ang isa sa tatlong lalaking sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa lungsod na ito, Martes ng madaling araw.

Sinabi ni Nueva Ecija top cop Col. Jess B. Mendez na nasabat din ng kanyang mga tauhan ang ilang galon na naglalaman ng diesel fuel na nagkakahalaga ng P17,000 sa isinagawang operasyon ng magkasanib na operatiba ng Provincial Intelligence Unit at lokal na pulisya sa Bgy. San Roque alas-3:10 ng madaling araw dito.

Sinabi ni Mendez na 2 sa mga suspek na nakatakas sa pagkakaaresto ay kinilalang sina Emil Suarez, at Milbert Amisola, laborer, habang ang naaresto ay si alyas “Wenwen”, 17, laborer, pawang ng Bgy. San Roque.

Nasamsam sa operasyon ang 4 na galon na naglalaman ng 30-litro ng diesel, 4 na galon na may 20 litro ng diesel, 5 walang laman na 20-litro na lalagyan at 2 walang laman na 200-litrong drum, isang plastic hose, at isang funnel (embudo).

Kakasuhan ng paglabag sa PD 1865 o iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo ang mga suspek.

Nagbabala si Mendez sa mga sangkot sa mga bawal na aktibidad na ito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Aniya: “Dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng langis, inaabangan namin ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad. Gayunpaman, sisiguraduhin naming hindi sila magtatagumpay sa kanilang mga labag sa batas na gawain. Ito ay magsisilbing babala sa mga nakikibahagi sa katulad nitong ilegal na negosyo.” Kasama si Blessie Amor, OJT