Calendar
Eco groups pumalag sa fossil gas
“FOSSIL gas will not make our world better!”
Ito ang ipinahayag ng consumers, environmental and energy advocacy groups, na sinasabing planong itayong fossil gas project sa bansa.
“Building dependence on fossil gas means dependence on imported fuels, exposure to volatile power supply and prices, leaving consumers to the constant threat of rising electricity rates, and vulnerability to geopolitical shocks globally on top of an already catastrophic climate crisis triggered by fossil fuels,” pahayag ni Gerry Arances, Convenor of P4P.
Para sa P4P, Protect VIP, at mga kaalyadong grupo, ang fossil gas ay hindi rin mahusay gaya ng coal kung ang pag- uusapan ay ang affordability, sustainability, o promotion of national energy security.
Kabilang sa mga grupong tumututol sa fossil gas ay ang ECOSILAK – Youth for VIP, na kabilang sa grupong Protect Verde Island Passage (Protect VIP) network, PALAG Na! sa Ozamiz at Davao City sa Mindanao, Konsyumer Negros, Youth for Climate Hope sa Negros Occidental, SM-ZOTO sa Navotas, Freedom from Debt Coalition sa Tabango, Leyte, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, KPML, Sanlakas, at Partido Lakas ng Masa sa Cebu.