Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
House

Economic Charter amendments pinanindigan ng mga mambabatas

Mar Rodriguez Mar 31, 2024
135 Views

NANINDIGAN ang mga kongresistang nagtataguyod ng panukala na amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon na mahalaga ang reporma sa Konstitusyon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan at sa pagpapalago ng pambansang ekonomiya.

Ito ang iginiit nina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. ng Pampanga, at Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon matapos lumabas ang resulta ng survey ng Pulse Asia kaugnay ng Charter change.

Sa kabila ng resulta ng survey na nagsasabing 74 porsyento ng mga respondent ang hindi sang-ayon na magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas, iginiit naman ni Dalipe na ang reporma sa Konstitusyon ay mahalaga upang tugunan ang nagbabagong pangangailangan ng lipunan.

“While we acknowledge the survey results, we cannot ignore the pressing issues that require legislative action,” ayon kay Dalipe.

“Amendments to the Constitution are vital for addressing these challenges and ensuring the welfare of all Filipinos,” dagdag pa ni Gonzales.

Binigyang diin naman ni Suarez ang kahalagahan na maamyendahan ang Konstitusyon upang mabilis na maabot ang inaasam na pag-unlad ng bansa.

“Amendments to the Constitution can create a conducive environment for investment and innovation, driving economic growth and prosperity for the nation,” dagdag pa ni Suarez.

Binigyan-diin naman ni Gonzales ang kahalagahan ng mga pagbabagong konstitusyonal sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng lipunan.

“The 1987 Constitution was crafted in a different era. To effectively address the challenges of the present, we need a Constitution that reflects the realities of today,” paliwanag pa ni Gonzales.

Samantala, ipinaliwanag din ni Suarez ang kahalagahan ng pagtuon sa mga probisyong pang-ekonomiya at paglilinaw sa mga maling akala ukol sa pinakabagong Cha-cha initiative.

“Ultimately, the intention behind economic Cha-cha is to empower Filipinos, strengthen our economy, and pave the way for a more prosperous future,” ayon kay Suarez.

Sa pagtugon sa mga kritiko, muling iginiit ni Dalipe na ang panukalang pagbabago sa economic provisions ay walang kaugnayan sa pagpapahaba ng termino ng mga nanunungkulan kundi para lamang mas dumami ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

“We need to focus on the economic provisions of the Constitution, which have long been identified as barriers to our progress,” ayon kay Dalipe.

Binanggit pa ni Dalipe ang mga potensyal na benepisyo dulot ng targeted constitutional amendments, tulad ng pag-anyaya ng mas maraming dayuhang mamumuhunan, paglikha ng trabaho, at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

Ipinunto rin ni Suarez ang kahalagahan na magkaroon ng kaalaman at lumahok ang publiko sa usapin ng pagbabago sa Konstitusyon upang tiyakin na ang mga inihahain na mga reporma ay tumutugma sa mga pangangailangan at hinahangad ng mga Pilipino.

“By focusing on the economic provisions and clarifying misconceptions, proponents can work towards garnering broader support for targeted constitutional amendments that will benefit all Filipinos,” ayon pa kay Suarez.