Calendar
Economic managers ipapaliwanag Maharlika fund sa mga senador
ISANG briefing ang isasagawa ng mga economic manager sa mga senador upang maipaliwanag ang mga detalye kaugnay ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Ayon sa Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pagpupulong ay isasagawa sa Enero 30.
Sinabi ni Villanueva na nais nitong malaman kung saan kukunin ang pondo na ilalagay sa MIF at kung posible na huwag ng magpasa ng batas ang Kongreso kaugnay nito.
Dagdag pa ni Villanueva isang welcome development ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga senador na pag-aralan ang MIF.
“Welcome development ‘yung binanggit ng ating Pangulo na he is not expecting the Senate to fast-track. He cautioned us to be very careful and, you know, the President came from the Senate so he knows very well how senators work,” sabi ni Villanueva.
Noong Lunes ay inihain ni Sen. Mark Villar ang panukalang MIF. Ito ay napunta sa Senate committee on banks, financial intermediaries, and currencies.
Nauna ng sinabi ni Pangulong Marcos na mayroong mga hakbang na gagawin upang matiyak na mapoproteksyunan ang pondo at mapakinabangan ito ng mga Pilipino.