Calendar
Economic managers suportado KALINGAN Bill nina Speaker Dy, Rep. Marcos
SUPORTADO ng mga economic managers ang isinusulong na KALINGA Bill nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.
Kinakatigan ng mga economic managers ang panukala, ayon kay Dy, bilang komprehensibo at epektibong tugon sa napapanahong pagtaas sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin na nagpapahirap sa kalagayan ng mga Pilipino.
Ang pagpapahayag ng suporta ng mga economic managers ay nangyari, ayon sa House Speaker, habang isinasagawa ang House Ad Hoc Committee on Legislative Energy Action and Development (LEAD) sa pamumuno ni House Committee on Ways and Means Chairman Rep. Miro Quimbo ng Marikina City.
Binigyang diin ng mga ahensya ang pangangailangan para sa isang “coordinated national responce” sa problemang pang-ekonomiya na dulot ng isyu sa enerhiya.
Sa ilalim ng panukalang batas, tinitiyak nito ang seguridad sa supply ng enerhiya at mahahalagang bilihin. Nagbibigay din ito ng mabilis at tiyak na tulong sa mga mahihirap na sektor.
Awtomatikong gumagana kapag naabot ang mga itinakdang “crisis indicators” habang magkakaroon naman ng suporta mula sa Department of Budget and Management (DBM).

