Marites Lang

Economic Slump ba Talaga ang Dahilan ng  Pangyayari sa Japan, Sri Lanka at UK?

Marites Lang Jul 15, 2022
308 Views

Masaya ang mga nakararaming mga Pinoy sapagkat natapos ang eleksyon, turn over ng gobyerno at pagtatalaga pati pagaayos ng mga bagong mga gabinete sa kani-kanilang mga opisina. Bukod sa threat ng Covid19 ay maayos na nabubuhay tayong mga Pinoy ng normal. Kumakain, natutulog ng walang nagiging aberya, walang giyera, walang mga malalaking sakuna. Kung meron man sa nakalipas ay inaayos na.

Pero nagimbal tayo sa pagkabaril at pagkamatay ni Japan Prime Minister Shinzo Abe. Hindi pa siya naililibing ay biglang nagkaroon ng anarchy sa Sri Lanka. Nagriot, rumble at hindi joke ito, hinabol ng mga tao ang President ng Sri Lanka mula sa bahay niya palabas hanggang sa sinunog nila ang kabahayan ng kawang Pangulo nila. Nag resign siya sa tindi ng galit ng mga tao don. At eto pa… ang Prime Minister ng United Kingdom na si Boris Johnson ay nagresign din at naghihintay na lang na may maitalagang bagong party leader bago tuluyang umalis sa kanyang opisyal na katungkulan. Ang weird noh!

Me nakikialam sa earth na hindi maintindihan kasi nag covid 19 pandemic na dahilan ng lock downs, pagsasara ng mga borders at distrito sa bawat lugar. May gumagalaw man na mga kargamento pero grabe ang checkpoints at restrictions sa galawan ng mga tao. Malaking pasasalamat at tayo ay mahilig magsuob, maligo ng may herbs tulad ng mga dahon ng suha or balat nito at asin, magpaaraw at maligo sa dagat. Isa pa mahilig tayo uminom ng turmeric tea, malunggay or moringa, salabat, honey mansi (kalamansi na may pulot), at iba pang nakasanayan sa mga probinsya. Ang ibang bansa umaabot sa patayan para kumain mga Teh!

Ang kaso sa malaking portion ng mayayamang bansa sa earth ay sobrang hirap ang dinadanas. Dakilang tag gutom kaya kung ano pang mga krimen, kaguluhan at kaokrayan para magkadats pambili ng food nila at gamot siguro sa napakalaking parte ng mundo ito. Ang Amerika nga mahigit 9.1% ang increase ng presyo ng mga common goods. At 8.8% ang inflation rate nila. Naasar pa ang mga news group na Amerkana ang may ari sa ekonomiya ng Pilipinas. Hmp! Ang pagpapanggap na magaling Teh ay pwede pero hanggang saan kaya ito?

Sa Japan, si Shinzo Abe ay pinakamatagal na namuno at pinalaki niya ang ekonomiya nila. After World War 2, hate sila ng mga tao mas higit tayong mga Pinoy kasi bukod sa nangrape, pumatay, nanindak, nang agaw ng mga lupa, naghamak ng mga tao, nagpasabog ng mga gusali, kinulong mga kamag anak ng maraming pinoy at siempre nang agaw ng mga alagang hayop na pinag piyestahan nila. Pero imbes iwasan sila at demahin, ay dahil sa magaling magpalaki ng ekonomiya at mga negosyo na mostly ay si Shinzo Abe bilang longest serving Prime Minister ang nanguna, friendly na lahat sa kanila. Yes, very good sya don.

Pero pinatay ng isang Tetsuya Yamagami na dating navy officer ng Japan. Ansabeh e angry kasi naghirap sila, nawalan daw ng kabuhayan at pera sa pagdodonate ng nanay niya sa kulto na kilalang sinusuportahan ni Shinzo Abe. Deeeeeng!!! Nalurkey ako…me kulto pala sila na Moonies ang tawag. Ito ay high profile “church group” na itinayo noong 1954 ng isang Myung Moon.

Mukhang tagasuporta nila ang lolo ni Shinzo Abe at yumaman itong kulto na ito sa laki ng ibinibigay na donasyon (siguro ay may pressure) ng mga members. Magmula sa lolo ni PM Abe ay identified silang supporter ng kulto na ito. Mahigit limang beses daw nagsalita ang namatay na pinuno nila sa mga big events ng grupo. Well, it’s quite peculiar na sa speech sa campaign trail niya bilang kandidato sa pagbabalik niya sa pagka PM ulit. At maaaring tunay na naghihirap yung bumaril sa kanya na nag effort gumawa ng sariling baril kasi nga ay gunless society ang Japan. At sa blocking ng security personnel niya ay halatang sobrang di sila prepared sa shoot out, barilan, assassination, o kahit anong ganitong eventuality. Yaaannn dedo tuloy si Tomadachi ng mga japayuki.

Eto naman sa Sri Lanka si President Gotabaya Rajapaksa ay kagulat gulat na hinabol ng mga tao para gulpihin siguro at sakalin kasi sobrang hirap na nila doon. Brownout araw araw daw. No fuel at very cruel kuya ruel naman nga eh… nangutang daw ng nangutang ang mga pinuno nila sa China to a point na nagdeclare sila ng bankruptcy. Nakikialam na si maepal na IMF para sila ay bumangon. Dagdag lifeline sana kaso poor na din ang mga tao at walang makain. Siyempre angry sila kaya ang Presidente ang napagbuntunan ng galit. Ayun burned ang career, burned ang house at surely burned ang confidence ni kuya. Yun lang…

Eto namang Si Prime Minister ng United Kingdom na si Boris Johnson ay ganun din. Fyi ang Great Britain at Northern Ireland na madaming blue ang mata na kapopogi at kagaganda ang sinasabing United Kingdom. Saka ko ikwento yan kung pano nangyari pero me series sa Netflix tungkol dito. Anyway, nag resign din sya after three years of serving as Prime Minister. Nag umpisa ito sa mga pagtitipon o parties daw na nahuli ng mga pulis noong lockdown. Me mga nag resign sa kanyang Pamahalaan na sina Chancellor Rishi Sunak and Health Secretary Sajid Javid.

Sumunod yung alingasngas sa House Treasurer at naging Deputy Chief Whip in the House of Commons nila na si Chris Pincher. Ang sabi ni Sir Keir Starmer na “the first recorded case of the sinking ships fleeing the rat” daw itong nangyayari sa UK. Pero mahirap iresearch at ichika ang issues nila kasi very subtle ang press nila at educated ang mga writers nila parang tayo din.

Suffice it to say na bumababa ang income ng mga ordinary high nose Brits at medyo di man starving ay ang Foreign Direct Investment (FDI) projects nila ay down by 12% ng 2019 na naging 13% ng 2020. Sang ayon sa ilang pag aaral ang planned investments sa UK ay down by 30% sa mga panahong ito. Digital projects are down by 25%, almost double the European decline. Ganern…

In short merong economic crisis na sila, sang ayon sa CNN. Ang inflation rate nila ay 9.1% in May at pinakamataas sa buong G7 circle. Mabuti pa tayo dito. Hindi nauubos ang mga tilapia at bangus. Me kinakain pa tayo mga kabise, kabsat, dudung at inday!!!

Ngayon para sa mga nagmamalditang mambatikos sa ating gobyerno. Umayos nga kayo. Kita nyo nangyayare sa mga sikat at di masyadong sikat na bansa. Okey na okey tayo dito kaya pwede ba if you cannot sing praises sa mga namumuno sa gobyerno natin, mag thank you sa mga nasa Kalangitan tayo. Sila ay nakikialam para tayo ay maproteksyonan sa kung anumang nangyayare sa mundo. Nagtatrabaho SILA para sa ating magandang Karma, magandang buhay at magandang kinabukasan. Madami kasi sa atin ang mabubuti ang kalooban at mahusay ang pag iisip. God is good all the time sa ating mga Pinoy.