BBM2

ECOP chief: Mga biyahe ni PBBM nakatulong sa pagdami ng trabaho sa bansa

Neil Louis Tayo Aug 12, 2023
143 Views

ANG mga biyahe umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa ay nakatulong upang madagdagan ang mga mapapasukang trabaho sa bansa, ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr.

Sabi ni Ortiz-Luis, na siya ring pangulo ng Philippine Exporters Confederation, Inc. (Philexport), nang tanungin kaugnay ng pagdami ng trabaho sa bansa sa Laging Handa press briefing.

“Unang-una talaga tuloy-tuloy ‘yung pag-alis natin doon sa pandemic era at tuloy-tuloy ang pag-hire. Ang gobyerno naman tuloy-tuloy ang pag-encourage ng investment, at maraming biyahe ni Presidente. Hindi naman inaasahan na marami talagang iuuwing investors at ‘yun ay tuloy-tuloy,” he said, noting the marked increase in Board of Investments (BOI) and Philippine Economic Zone Authority (PEZA) registrations.

Nakapagtala ang Pilipinas ng 95.5 porsyentong employment rate noong Hunyo.

“Sa katunayan, sa Philippine Chamber of Commerce (and Industry) halos every week mayroon kaming mga delegation na ini-entertain na nagtatanong, naghahanap ng ka-partner at kung ang mapapasukan nilang negosyo dahil sa mga biyahe ni Presidente,” dagdag pa ni Ortiz-Luis.

Kasama sa nakaranas ng pagtaas sa bilang ng trabaho ay sa larangan ng construction, agriculture, administrative and food services, at public administration at defense.

Upang mas marami pa umano ang mapapasukang trabaho, sinabi ni Ortiz-Luis na ang ECOP ay nakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), mga manufacturer, business process outsourcing (BPO), at tourism industry.

“These are additional jobs at tuloy-tuloy ‘yung training, (job) matching na ginagawa namin para makatulong. And ‘yung mga problema like sa transportation, iyong…tinutulungan din namin doon tsaka ‘yung mga (job) mismatch na nangyayari, nakikipagtulungan kami sa DOLE kung paano mareresolba,” sabi pa ng opisyal ng ECOP.

Lumago rin ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 5.3 porsyento sa unang semestre ng 2023.