Calendar
EDCA sites makatutulong sa pagpapalakas ng disaster response ng bansa
ANG pagdaragdag umano ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ay makatutulong sa pagpapalabas ng disaster response.
Ayon kay Department of Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong ang ilang lokasyon ng EDCA ay gagamitin para sa humanitarian at relief operation sa panahon ng emergency at natural disaster.
“Some of these facilities ay magiging base for our humanitarian… assistance, disaster relief operations na importante sa atin dahil tayo ay — at least 20 typhoons tumatama sa atin at dahil nasa Ring of Fire nga tayo na mabatid naman natin na panay-panay ang lindol sa atin,” sabi ni Andolong.
“So ito ‘pag nag-preposition ng kagamitan dito, assets that will be used for disaster relief, malaking bagay na iyong EDCA site kung malapit siya doon sa area,” sabi pa ng opisyal.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. natukoy na ang dagdag na apat na lokasyon para sa EDCA.
“Nais ko pong i-reiterate ano, liliwanagin ko na ang EDCA sites ay hindi po base militar ng Amerikano iyan. Ito po ay pansamantalang—tulad ng sinasabi ko, bahay lang nila ‘pag pupunta sila rito, pagtataguan ng gamit – maaring iiwan nila iyong kagamitan nila diyan para sa next exercise ay nandidiyan na kasi mas logistically practical iyon. At iyong mga tropa nila na dadating dito ay hindi rin permanente iyon – parang extended training lang,” paliwanag ni Andolong.
Makakatulong din umano ang mga dagdag na lokasyon sa defensive posturing ng bansa.