Sara Ipinamamahagi ni Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte ang mensahe hope,unity at patriotism sa kanyang ‘meet and greet’ sa mga residente ng Happy Land,Gawad Kalinga, Helping Hand at Aroma sa covered court ng Barangay 105,Tondo, Manila. Kuha ni VER NOVENO

Edukasyon mahalaga sa laban kontra kahirapan—Mayor Sara

382 Views

Binigyan-diin ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang kahalagahan ng edukasyon sa paglaban sa kahirapan sa bansa.

Sa kanyang pangangampanya sa Maynila, naka-usap ni Duterte si Ronald Abriol at misis nitong si Analyn sa Barangay 105, Tondo.

Ang pamilya Abriol ay namumuhay sa pamamagitan ng pamamasura at kumikita ng P85-P150 kada araw.

Ang mag-asawa ay mayroong walong anak kasama ang isang set triplet.

Sinabi ni Analyn na pinagkakasya nila ang three-fourth o kalahating kilong bigas sa isang araw.

Inamin din ni Analyn na nahihirapan ang kanyang mga anak sa pag-aaral dahil wala silang pambili ng gadget at internet connection. Anim sa kanyang anak ang nag-aaral.

Umaasa ang mag-asawang Abriol na nagkakaroon sila ng ibang mapagkakakitaan at makakatapos ang kanilang mga anak upang mabago ang buhay ng mga ito.

Sinabi ni Duterte na dapat bigyang prayoridad ng pamilya ang pag-aaral ng mga anak.

“Siguraduhin natin ma’am na kung dito ninyo pinili na magtrabaho at tumira, mapagtapos natin yung mga bata para kung ano yung paghihirap natin, hindi nila maranasan,” sabi ni Duterte sa mag-asawang Abriol.

Nagsasagawa ng konsultasyon si Duterte sa iba’t ibang sektor sa National Capital Region gayundin sa mga grupo na sumusuporta sa kanyang kandidatura.