Rep. Ace Barbers

EJK dapat ituring na special heinous crime – Barbers

Mar Rodriguez Jan 23, 2025
15 Views

UPANG tuluyan ng matuldukan ang masamang kultura ng pagkitil sa buhay ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng “summary execution”. Binigyang diin ng lead Chairman ng House Quad Committee na si Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Robert Ace S. Barbers na dapat ituring ang Extra-Judicial Killing (EJK) bilang special heinous crime.

Sinabi ni Barbers, Chairman din ng House Committee on Dangerous Drugs, na ang pagtrato sa EJK bilang isang special heinous crime ay hiwalay sa kasong murder sapagkat layunin nito na mai-klasipika ang naturang pagpatay bilang mas mataas sa murder.

“The intention of the proposal is to us is really to elevate the killing perpetrated by state agents higher than the so-called murder if that is possible. As I premise earlier that if this will not violate the equal protection clause, eh’ sa tingin ko dapat kung sino yung perpetrators ng EJK at kung sino naman yung hindi,” sabi ng mambabatas.

Ipinaliwanag din ni Barbers na ituturing na “special heinous crime” ang EJK partikular na kung ito ay kinasasangkutan ng mga ahente ng pamahalaan katulad ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) gaya ng nangyari noong nakalipas na administrasyon.

Kasabay nito, ikinagalak din ni Barbers ang paghahain ng National Bureau of Investigation (NBI) ng criminal charges sa susunod na buwan laban sa mga kilalang personalidad na sangkot sa pagpatay sa dating board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO na retired General Wesley Barayuga.

Ito naman ang ipinabatid ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin said ika-labing apat na pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes kung saan sinabi nito na tinatapos na lamang nila ang kanilang imbestigasyon at maisasampa nila ang kasong murder laban sa mga salarin na nasa likod ng madugong pagpatay kay Barayuga.