Calendar
Elekyon makakalikha ng trabaho sa mga Pilipino
KUMPIYANSA ang Department of Labor and Employment (DOLE) na makalilikha ng trabaho para sa mga Filipino ang nalalapit na eleksyon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na makatutulong ito para mapanatili na mababa ang unemployment rate sa bansa.
“The DOLE will always expect that the continued employment of Filipinos can be sustained. Alam natin na mayroong mga activities, especially ang ating mga exercises related to political exercises, makakatulong sa pagdagdag ng mga hanapbuhay,” pahayag ni Laguesma.
Halimbawa na ayon kay Laguesma anh trabaho para sa pag-organisa ng mga rally, alalay, driver ng mga pulitiko, taga-gawa at nakalagay ng mga tarpaulin at iba pa.
Hindi naman matukoy ni Laguesma kung ilang trabaho ang malilikha dahil sa eleksyon.
Pero hindi naman aniya umaasa ang DOLE sa eleksyon lamang.
Tinutukan aniya ng DOLE ang Labor and Employment Plan 2023-2028 kung saan binabantayan ng pamahalaan ang labor market.