BBM

eLGU, eReport Systems inilungsad ni PBBM

Jun I Legaspi Jul 19, 2023
156 Views

INILUNGSAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Electronic Local Government Unit (eLGU) at eReport Systems upang pabilisin ang digital transformation ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Marcos ang digitalization ang magsisilbing tanda ng pag-unlad ng bansa.

“I thus urge all government agencies [and] LGUs to collaborate with the DICT as we integrate all services into the recently launched eGov PH Super App to attain its objective of becoming a multi-sectoral mobile application for all government institutions and transactions,” ani Pangulong Marcos.

“I also call once again on the DICT, DILG, and our LGUs to ensure the efficient implementation of Executive Order (EO) No. 32 to ramp up the implementation of infrastructure projects in the telecommunications industry, so we can accelerate our country’s digital transformation,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang EO 32 ay nagpapabilis sa pagtatayo, pagsasaayos at operasyon ng mga telecommunication at internet infrastructure sa bansa.

Para sa Pangulo ang paglulungsad ng eLGU at eReport Systems ay isang paradigm shift upang maging mabilis ang ugnayan ng gobyerno at mamamayan nito.

Ang eLGU System ay magbibigay ng serbisyo gaya ng pagkuha ng business permit at lisensya, pagproseso ng local tax, local civil registration, real property tax, barangay clearance, at iba pang impormasyon.

Pabibilisin naman ng eReport System ang pagresponde ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangangailangan ng publiko.

“I am optimistic that this system will be used to help curb criminality, lawlessness, and ensure immediate responses to various incidents around the country, thereby making our communities safer and more secure for everyone,” dagdag pa ng Pangulo.

Kinilala rin ng Pangulo ang mga ginagawa ng Department of Information and Communication Technology (DICT), at Department of Interior and Local Government (DILG) upang mapabilis ang pagseserbisyo ng gobyerno sa publiko.