Calendar
Emano: Mataas na rating ni Speaker Romualdez magsisilbing Inspirasyon ng Kamara
ANG pagtaas ng rating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay nagsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara de Representantes upang mas lalong magsumikap sa pagtatrabaho at magpasa ng mga panukala na makatutulong sa mga Pilipino.
Ito ang sinabi ni Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny Vincente B. Emano matapos na tumaas ang trust at performance rating ni Speaker Romualdez sa survey ng Octa Research.
“The trust given by the people to Speaker Romualdez mirrors the trust they also give to the institution he leads. Nagpapasalamat po kami sa taumbayan at kinikilala nila ang pagsisikap naming mga mambabatas na gawin ang aming mandato para sa kapakanan ng mga Pilipino,” ani Emano.
“Makakaasa po kayo na mas lalo naming pag-iibayuhin ang aming pagtratrabaho dahil sa tiwalang patuloy ninyong ibinibigay kay Speaker at sa buong Kongreso,” dagdag pa nito.
Tumaas sa 60% ang trust rating at 61% naman ang performance rating ni Speaker Romualdez sa survey na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4.
“We hope to go beyond this or at least replicate this productivity for the year 2023. In fact, as Congress takes a one-month break and resumes in November, Speaker Romualdez encouraged all committees to continue hearing bills,” sabi ni Emano.
“This illustrates the commitment of Speaker Romualdez and members of the House in fulfilling their duty to the Filipino people. Kaya tuloy-tuloy lang po ang trabaho namin bilang mga mambabatas,” giit pa ng mambabatas.