Calendar
Metro
Empleyado ng DPWH dinampot sa pagsaksak sa tricycle driver
Edd Reyes
May 27, 2025
400
Views
HIMAS-rehas ang 41-anyos na empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos saksakin ang tricycle driver na nakaaway sa Muntinlupa City.
Naaresto ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Robert Domingo si alyas Negro matapos ang pananaksak at isinugod naman sa Ospital ng Muntinlupa si alyas Geomar, 28, dahil sa kadyot ni alyas Negro.
Nangyari ang pagtatalo ng biktima at suspek sa labas ng Rubie Touch Videoke Bar sa may viaduct, Brgy. Alabang dakong alas-6:00 ng umaga sa hindi pa batid na dahilan.
Nakapagresponde ang mga pulis nang magsumbong ang testigong si alyas Katrina na nakasaksi sa insidente at nadakip naman ang suspek.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

