Calendar
Inaresto ng mga ahente ng NBI-OLDO ang suspek na empleyado ng Planning and Development Office ng Olongapo City dahil sa robbery-extortion. JONJON C. REYES
Empleyado ng gobyerno sa Gapo huli sa robbery-extortion
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Olongapo District Office (NBI-OLDO) ang empleyado ng Planning and Development Office ng Olongapo City Hall dahil sa robbery-extortion.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nahuli ang akusado na si alyas Roche dahil reklamo ng isang negosyante laban sa suspek at kasamang si alias Edward.
Sinabi umano sa kanya ng suspek na ang aplikasyon niya sa building permit hindi aprubado kung hindi siya ay gagamit ng required na pribadong arkitektural at engineering firm para sa disenyo ng gusali, elektrikal at mga plano sa plumbing.
Ayon sa complainant, sinisingil siya ng suspek ng P98,100. Mas mataas ito kaysa sa P30,000 na dapat bayaran.
Sinabi ni Santiago na ang pag-aresto sa suspek pagtupad sa pangako ng NBI sa pagpigil sa mga corrupt na gawain sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.
Nahaharap ang suspek sa kasong pangingikil at paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials).

