Calendar
Empleyado ng LTO binalaan vs pakikisabwatan sa fixer
NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II noong Miyerkules sa lahat ng empleyado ng ahensya laban sa pakikipagsabwatan sa mga fixer.
Ayon kay Mendoza, naghihintay ang mabigat na parusang administratibo, kabilang ang pagkawala ng kanilang trabaho kung mapapatunayan na nakikipag-sabwatan sila sa mga fixers.
Ipinahayag ni Assec Mendoza ang babalang ito kasabay ng pagsasailalim sa imbestigasyon ng hindi bababa sa tatlong tauhan ng LTO, kabilang ang isang pinuno ng District Office, dahil sa hinihinalang partisipasyon sa mga ilegal na transaksyon sa mga fixer sa kanilang mga nasasakupan.
Noong Martes, Setyembre 24, dalawang magkahiwalay na operasyon ang isinagawa malapit sa LTO Central Office sa Quezon City at sa Bulacan, batay sa kumpirmadong intelligence reports ukol sa umano’y pakikipagsabwatan ng mga empleyado ng ahensya sa mga fixer.
Ang unang operasyon isinagawa sa Bulacan, kung saan isang fixer ang naaresto at tatlong tao, kabilang ang dalawang tauhan ng LTO at isang pinuno ng District Office, ang kinumpronta dahil sa kanilang kapabayaan sa pag-aalis ng mga fixer kahit sa loob ng LTO office.
Naaresto sa operasyon sa Bulacan, na pinangunahan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Michael Mendoza.
Bandang alas-4:00 ng hapon inaresto ang isang 40-taong gulang na babae na inakusahan ng pag-aalok ng mabilis na pag-isyu ng lisensya sa isang entrapment operation sa Barangay Pinyahan, Quezon City.
Si Desire Dagiunod, isang residente ng Pandi, Bulacan, ang naaresto, habang ang isa pa niyang kasama, si Gerlo Gomez, 35, nakatakas.
Ayon kay Assec Mendoza, ang operasyon tugon sa mga ulat na maraming fixer ang muling nag-aalok ng kanilang serbisyo sa mga motorista.
Sa kaso ng naarestong suspek, inadvertise niya ang kanyang mga iligal na aktibidad sa kanyang Facebook account.
Isang surveillance ang isinagawa na nagpapatunay sa mga ulat na natanggap ng LTO- Intelligence and Investigation Division. Ang entrapment operation nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek bandang sa Magalang St. sa Brgy. Pinyahan.
Nasamsam mula sa suspek ang P500 na salapi, medical certificate, at iba pang dokumento na ginagamit sa aplikasyon at pag-renew ng lisensya ng drayber.