Binibigyan ng instructions ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sina MPD Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay at NCRPO Chief P/BGen. Anthony Aberin matapos buksan sa publiko ang pahalik sa Itim na Nazareno sa Quirino grandstand sa Ermita, Manila noong Lunes. Kuha ni JonJon Reyes

end off para sa security forces sa Traslacion ’25 isinagawa

Jon-jon Reyes Jan 7, 2025
34 Views

PNP TranslacionPINANGUNAHAN nina Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil, Manila Mayor Honey Lacuna Pangan, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Brig.General Anthony Aberin at Manila Police District chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang send off ceremony ng Security and Safety Forces for Nazareno 2025 sa Quirino grandstand sa Ermita, Manila noong Lunes.

Magsisilbi bilang seguridad sa mga deboto na aabot sa 6 na million na lalahok sa Traslacion ang security forces.

Kasabay noon binuksan na rin sa publiko ang pahalik sa Itim na Nazareno sa harap ng Quirino grandstand sa Luneta.

Ayon sa MPD, umabot na sa mahigit 1,000 ang maagang pumila na mga deboto ng santo para sa pagbubukas ng tradisyonal na “Pahalik.”