Ed Andaya

Enter Jong Uichico

Ed Andaya Jun 13, 2024
69 Views

BAGONG coach, bagong pag-asa sa NLEX Road Warriors.

Matapos mabigo na makapasok sa semis ng PBA Philippine Cup, sasandal ngayon ang NLEX sa mahabang karanasan at winning record ni coach Jong Uichico sa darating na 49th season ng PBA.

Pinalitan ng 61-year-old na si Uichico bilang coach ng NLEX si coach Frankie Lim, na nagtala naman ng 22-29 win-loss record sa apat na conferences para sa Road Warriors.

“The NLEX Road Warriors are excited to take this new journey with coach Jong Uichico. He brings a wealth of experience to the squad and a clear idea of what it takes to win a championship as the fourth-winningest coach in PBA history,: pahayag ni NLEX Corporation President at General Manager Luigi Bautista sa kanyang media statement.

Gayunman, nagpasalamat din ang NLEX kay Lim.

Bilang coach, hindi matatawaran ang kakayahanni Uichico, na nanalo na ng siyam na PBA championships — anim para sa San Miguel Beer (1999 Commissioner’s Cup, 1999 Governors’ Cup, 2000 Commissioner’s Cup, 2000 Governors’ Cup, 2001 All-Filipino, 2005 Fiesta, 2007 Philippine Cup, 2008 Fiesta, at 2015 Commissioner’s Cup); dalawa para sa Barangay Ginebra ( 2007 Philippine Cup, 2008 Fiesta); at isa para sa TNT Tropang Giga (2015 Commissioner’s Cup.)

Bukod sa kanyang nine PBA championships, si Uichico ay napili ding two-time “Coach of the Year” nung 2000 sa San Miguel at 2007 sa Ginebra; at two-time PBA All-Star Game head coach nung 2001 at 2007.

Sa international stage, naging head coach din siya ng Philippine team na nakasungkit ng gold medal sa FIBA Asia Under-18 Championship sa Manila nung 1982; at gold medal sa Southeast Asian Games sa Naypyidaw nung 2013, at Kuala Lumpur nung 2017.

Nagsilbi din siya bilang assistant coach ni Tom Cone sa Gilas Pilipinas team na nag-uwi ng gold medal sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China nitong nakalipas na taon.

Ano ang maaasahan ng mga NLEX fans sa darating na PBA Season 49?

Sa ilalim ng pamamahala ni Uichico,asahan na lalo pang magsisikap ang kanilang team na pangungunahan nina Robert Bolick, Sean Anthony, Robert Herndon. Anthony Smeerad, Yousef Taha,Matt Nieto, Michale Miranda, Renato Ular, Jake Pascual , Richie Rodger at iba pa.

* * *

Isa na namang haligi ng Philippine chess ang nagpa-alam.

Pumanaw na si Greg Rellorosa, presidente ng sikat na V. Luna Chess Club, sa kanilang family residence sa Malabon nitong June 9.

Si Rellorosa ay 87 years old..

“He died peacefully in his sleep,” pahayag ng kanyanganak na si Jojo, na nagsabing ang labi ng butihing chess friend-benefactor ay nakalagak ngayon sa Santo Rosario Village Chapel sa Gov. W. Pascual Ave., Malabon.

Ang interment ay nakatakda simula 3 p.m. sa Thursday, June 13 sa Everlasting Crematorium sa Letre Road, Malabon City.

Bukod kay Jojo, naiwan niya ang kanyang dalawa pang anak na sina Glenn at Dennis at kanilang mga pamilya.

Si Rellorosa ay isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ng yumaong FIDE Honorary Lifetime president Florencio Campomanes.

Nakilala din siya bilang president ng V. Luna Chess Club, na matatagpuan sa V. Luna Ave., Diliman, Quezon City, at Malabon Chess Club. Hindi mabibilang ang kanyang mga natulungan sa nasabing dalawang chess clubs.

Ang ilan sa mga sikat na nakasama ni Rellorosa sa V. Luna Chess Club ay sina GMs Rogelio Antonio, Jr. at Jayson Gonzales, IMs Chito Garma, Barlo Nadera, Angelo Young, Cesar Caturla, at Jan Emmanuel Garcia at FM Mari Joseph Turqueza.

Personally, si Rellorosa ay matagal na din nating kaibigan simula pa nung mid 90s at natitiyak kong magpapatuloy pa din ang kanyang pagmamahal sa chess kahit pa sa kabilang buhay
Rest in peace, Greg.

For comments and suggestions, email to [email protected]