Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Nation
EO pinirmahan ni PBBM para maging boluntaryo pagsusuot ng facemask sa indoor setting
Peoples Taliba Editor
Oct 29, 2022
506
Views
PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Executive Order no. 7 para maging boluntaryo ang pagsusuot ng facemask sa indoor setting.
Patuloy namang magiging mandatory ang pagsusuot ng facemask sa mga healthcare facilities, medical transport vehicles, at public transportation.
Hinikayat din ang patuloy na pagsusuot ng facemasks ng mga senior citizens, mga taong may comorbidities, immunocompromised individuals, buntis, hindi bakunado laban sa COVID-19 at mga may sintomas nito.
Noong Setyembre ipinalabas ng Malacañang ang EO 3 upang maging optional ang pagsusuot ng facemasks sa outdoor setting.
